CPDO nanawagan sa mga OFW na hanggang May 31 na lang ang pagsumite ng registration forms para sa LGU-Pabahay project

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/05/17 | LKRO


thumb image

CPDO nanawagan sa mga OFW na hanggang May 31 na lang ang pagsumite ng registration forms para sa LGU-Pabahay project

UMAAPELA ngayon pamunuan ng City Planning and Development Office (CPDO) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na taga Kidapawan City na kung maaari ay ibalik nang maaga ang mga registration forms na kanilang kinuga sa naturang tanggapan.

Ayon kay Mrs. Divina Fuentes, City Planning and Development Officer, binibigyan na lamang nila nang hanggang May 31 na palugit upang maisumite na sa kanila ang mga registration forms nang mga nag apply para sa KIdapawan City OFW Village.

Ito ayon kay Fuentes ay upang may panahon silang ma validate ang mga application forms at makapagpalabas sila nang opisyal na listahan nang mga nag qualify o mga first priorities na mga beneficiaries.

Nilinaw ni Fuentes na prioridad para sa proyektong OFW Pabahay ay ang mga OFW’s na walang kakayahang bumili ng bahay at lupa.

Sila yaong mga OFW’s na nagtatrabaho abroad ngunit kumikita lamang ng P30, 000 kada buwan.

Tinatayang nasa 320 na mga OFW’s ang unang makabenepisyo sa Pabahay project na itatayo sa limang ektaryang lupain sa Purok Manga, Barangay Kalaisan.

Huwag naman daw sumama ang loob ng mga OFW’s na hindi kasama sa first priority dahil may tsansa pa naman silang mapabilang sa second priority at posibleng mabigyan din ng kahalintulad na housing units sa mga itatayo pang pabahay project ng LGU-Kidapawan.

Nilinaw din ni Fuentes, na walang sinisingil na P75 na bayad sa registration form at P350 na reservation fee.

Libre ang form na ibinibigay ng City Planning at wala din daw silang kinokolektang reservation fee.

Nanawagan din ang opisyal na kung maaari ay magtungo sa tanggapan ng CPDO ang mga kaanak ng mga OFW para maging legal at transaksiyon at huwag maniwala sa sabi-sabi ng hindi naman awtorisadong indibidwal. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio