CSWDO TUMANGGAP NG PLAQUE OF RECOGNITION MULA SA DWSD PARA SA LEVEL 2 BETTER SERVICE DELIVERY AND COMPETENCY ASSESSMENT

You are here: Home


NEWS | 2022/06/21 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 21, 2022) – NAKATANGGAP muli ng isang recognition ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO ng Kidapawan mula sa Department of Social Welfare and Development Office o DSWD.

Ito ay makaraang makamit ng CSWDO ang Level 2 or Better Service Delivery on the Service Delivery Capacity and Competency Assessment for C.Y. 2019-202.

Ibig sabihin nito ay mahusay na naipatupad ng CSWDO ang mga inaasahang serbisyo o expected level of service para sa mga mamamayan partikular na ang mga sektor na tinutulungan at ginagabayan ng tanggapan.

Kabilang sa mga indicator o tagapagpahiwatig na naipatupad ng CSWDO ang kanilang epektibong paglilingkod ay ang mga sumusunod: Administration and Organization, Program Management, at Institutional Mechanism na pawang nakapaloob sa Local Social Welfare and Development Office Functionality ng naturang opisina.

Tinanggap ni CSWD Officer Daisy P. Gaviola, RSW ang Plaque of Recognition mula mismo kina DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista at DSWD 12 Regional Director Restituto B. Macuto sa Awarding Ceremony na ginanap sa Carpenter Hill, Koronadal City nito lamang nakalipas na linggo.

Itinaon din ang aktibidad sa inauguration ng bagong tanggapan ng DSWD Field Office 12 sa loob ng DSWD Regional Center sa Koronadal City.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Gaviola ang DSWD sa naturang recognition kung saan kinikilala ang kanilang mga pagsisikap at paglilingkod sa mga mamamayan partikular na sa mga less fortunate, disadvantaged, at iba pang nangangailangang sektor.

Ipinaabot din niya ang pasasalamat kay City Mayor Joseph A. Evangelista na nagsilbing inspirasyon sa kanila upang lalo pa nilang pagbutihin ang trabaho. (CIO-jscj/Photos from CSWDO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio