NEWS | 2021/06/29 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (June 28, 2021) – Sa layuning mapalakas ang produksyon ng ng mga magsasaka ng palay sa Lungsod ng Kidapawan lalo na ngayong may pandemiya ng Covid-19, muling nakipag-ugnayan ang City Government of Kidapawan sa Dept of Agriculture – Regional Field Office 12 o DA-ROF12 sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist.
Nagbigay-daan ito sa pamamahagi ng abot sa 500 bags ng certified rice seeds para sa iba’t-ibang Irrigator’s Association (IA) at Farmer’s Association (FA)sa lungsod at direktang nakabiyaya ang mga miyembro nito.
Ayon kay City Agriculturist Marissa Aton, sinimulan ang distribusyon ng certified rice seeds mula June 14, 2021 at natapos nitong June 28, 2021. Ito ay naipamahagi sa mga sumusunod na asosasyon:
GANESAN Irrigators Association (San Isidro) 100 bags June 14, 2021
Junction Farmers Association 20 bags June 15, 2021
Paco-Binoligan Irrigators Association 127 bags June 16, 2021
Sudapin 2 bags June 17, 2021
MABAKAL Irrigators Association (Kalaisan) 74 bags June 18, 2021
MABAKAL Irrigators Association (Sumbac) 12 bags June 18, 2021
MABAKAL Irrigators Association (Macebolig) 5 bags June 21, 2021
Onica Farmers Association 81 bags June 21, 2021
Gayola Farmers Association 32 bags June 22, 2021
Amas Farmers Association 17 bags June 25, 2021
Katipunan Farmers Association 30 bags June 25, 2021
Nakapaloob naman ang pamamahagi ng 500 bags ng certified rice seeds sa Regular Rice Program for Wet Cropping Season for 2021 ng DA-ROF 12 sa pakikipagtulungan ng City Government of Kidapawan.
Kaugnay nito, umaasa si Aton na lalo pang mapapahusay ng naturang mga beneficiaries ang produksyon ng kanilang palay na siya namang magpapaangat sa antas ng kanilang pamumuhay. (CIO)