NEWS | 2024/03/12 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (March 5, 2024) Binigyan ng loan assistance ng City Government ang dalawang asosasyon ng rubber planters upang kanilang mapalago ang produksyon ng goma.
Iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod ang loan assistance mula sa City Government sa Perez ARB Rubber Farmers Association o PARFA (P1,500,000) at Kahugpungan sa mga Mag-uuma sa Singao o KAMASI (P400,000) sa ginanap na Convocation Program nitong araw ng Lunes, March 4.
Kapwa benepisyaryo ang PARFA at KAMASI ng Investments for Rural Enterprises and Agricultural and Fisheries Productivity Subproject ng Philippine Rural Development Project (I-REAP – PRDP) ng Department of Agriculture.
Malaking tulong sa mga rubber planters ang loan assistance dahil mapupunan na nito ang 20% Equity na requirement naman sa kanilang grant mula sa PRDP.
Bilang dagdag na benepisyo, kapwa magbabayad lamang ng 50% o kalahati sa kabuo-ang halaga ng kanilang loan ang PARFA at KAMASI sa City Government sa loob ng limang taon na walang interest.