DALAWANG YOUNG FARMERS CHALLENGE AWARDEES MULA SA KIDAPAWAN CITY KALAHOK SA WORLD BAZAAR FESTIVAL

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/12/12 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 10, 2022) – LALAHOK ang dalawang mga kabataang magsasaka mula sa Lungsod ng Kidapawan sa gaganaping World Bazaar Festival sa World Trade Center, Pasay City mula Disyembre 10-19, 2022.
Ito ay sina Dennis Caaya ng Barangay Kalasuyan at Mark Joshua Padua mula sa Barangay Meohao na kapwa naging awardee ng Department of Agriculture – Young Farmers Challenge o YFC sa Region 12 o SOCCSKSARGEN.
Magiging daan ito upang maibenta ang mga produkto ng dalawang kabataang magsasaka at tangkilikin ng mga mamimili mula sa ibang lalawigan at maging ibang bansa o international buyers, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton.
Si Caaya ay nagmamay-ari ng Organic Herb Yard na nagsu-supply ng mga halamang gamot at organikong gulay sa pamilihan habang si Padua naman ay nagmamay-ari ng Pepz Integrated Farm na gumagawa ng Pepz Tablea pure cacao, Pepz sukang cacao, Pepz sinamak sukang cacao, Real rabbit tail keychain, at Real rabbit foot keychain.
Kapwa naging matagumpay sa kanilang ginawang defense sina Caaya at Padua sa YFC na isang program ani Senator Imee Marcos na laan para sa mga kabataang magsasaka kung kaya’t nabigyan ng malaking pagkakataon na lumahok sa World Bazaar Festival.
Tumanggap sila ng suportang pinansiyal mula kay City Mayor Jose Paolo Evangelista para sa kanilang travel at iba pang gastusin sa festival.
Natutuwa si Mayor Evangelista sa tagumpay ng mga young farmers lalo pa’t isa ang sektor ng agrikultura sa pinaglalaanan ng ibayong suporta ng kanyang administrasyon para matamo ng lungsod ang food sufficiency at sustainability.
Samantala, ang iba pang mga agri-preneur mula sa Region 12 na lalahok sa World Bazaar festival 2022 ay ang Shygia Beauty and Wellness Manufacturing, Kanate Banana Flour, at Talya’s Best. (CIO-jscj//if//photos by Agri-Tayo Soccsksargen)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio