NEWS | 2019/07/18 | LKRO
Delinquent real properties isasailalim sa public auction ng City Government sa Oktubre 2019
KIDAPAWAN CITY – ANIMNAPU AT PITONG mga delinquent real properties ang nakatakdang isusubasta ng City Government sa Oktubre 2019.
Ang mga nabanggit ay yaong mga hindi na nabayaran ng mga nagmamay-ari ang buwis sa Lokal na Pamahalaan.
Basehan ng City Government sa isasagawang public auction ang mga probisyong isinasaad ng RA7160 o ang Local Government Code.
Idinidikta ng batas sa mga Lokal na Pamahalaan na isubasta ang mga delinkwenteng lupa, makinarya o gusali bahagi ng tax collection mandate nito.
Una ng nagbigay alam ang City Treasurer’s Office sa lahat ng nagmamay-ari ng lupa, gusali at makinarya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tax due notices sa lahat ng barangay sa lungsod.
Sa datos na ipinalabas ng kanilang opisina, mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyan ang mga taong hindi nabayaran ng mga delinquent real property owners ang kanilang mga buwis sa lupa.
Kinapapalooban ng mga residential, agricultural at commercial lots ang mga delinquent real properties sa labing siyam ng mga barangay ng Kidapawan City ang isina pubiko ng City Treasurer’s Office.
Sa kabila nito, hinihikayat naman ni Mayor Joseph Evangelista ang mga nagmamay-ari ng mga nabanggit na may sapat pa silang panahon na bayaran ang kanilang mga bayarin para hindi na maisali sa public auction ang kanilang pag-aaring lupa.
Bukas ang CTO upang tumanggap ng bayarin ng mga delinquent real property owners.
Yun nga lang ay may kalakip na penalties and surcharges ang bayarin dahil na rin sa mahabang panahon na hindi nila ito nabayaran.
Nakalagay sa isang dambuhalang tarpaulin sa lobby ng City Hall ang listahan ng mga delinquent real properties na subject for public auction.
Hinihikayat naman ang iba pang nagmamay-ari ng lupa, gusali o makinarya delinquent man o hindi, na laging i-update ang kanilang bayarin sa real property taxes sa City Government. ##(cio/lkoasay)