Green Brigades planong ipatupad ng City Government sa mga piling barangay

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/10/25 | LKRO


thumb image

PLANONG MAGBUO ng ‘Green Brigade” ng City Government sa dalawampu at siyam na barangay ng lungsod.

October 24, 2018 ng pangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang dayalogo sa mga indigenous people ng Barangay Perez para sa planong pagbuo ng Green Brigade.

Sa ilalim nito ay tuturuan ng mga otoridad ang mga residente na ipatupad ang ilang environmental laws laban sa mga violators nito, matiyak na hindi basta-basta pinuputol ang mga puno at malinis ang water sources, mabigyan ng angkop na kaalaman sa usapin ng Disaster Risk Reduction, at magkaroon ng kabuhayan ang mga miyembro sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga cash crops sa mga lugar na pinapayagan ng Department of Environment and Natural Resources.

Nais ng alkalde na magbuo nito upang ibayo pang maprotektahan ang water shed areas at natural resources ng tinatarget na mga barangay.

Mas mainam na unang mabuo ang Green Brigade sa barangay Perez lalo pa at dito matatagpuan ang pinakamalaking water shed area ng Kidapawan City na siya namang source ng maiinom na tubig ng mga mamamayan, ayon pa kay Mayor Evangelista.

Katuwang ng City LGU sa pinaplanong green brigades ang Barangay Council, Tribal Council, DENR at ang City PNP.

Photo Caption – Green Brigades planong buo-in ng City Government: Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang dayalogo sa mga indigenous people ng Barangay Perez October 24, 2018. Nais ng alkalde na makabu-o ng green brigades sa 29 barangay bilang pamamaraaan sa ibayong proteksyon ng kalikasan at likas na yaman.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio