NEWS | 2019/02/01 | LKRO
PRESS RELEASE
February 1, 2019
Hapsay Pasada Search for Best Tricycle at Best Driver umarangkada na
KIDAPAWAN CITY – UMARANGKADA na ang Hapsay Pasada Search for Best Tricycle and Best Driver Enero 31, 2019.
Animnapu at dalawang mga units ang nag-qualify sa patimpalak kung saan isa sa mga magsisilbing highlights ng ika 21 Charter Day ng lungsod sa Pebrero 12, 2019.
Ito ay handog ni City Mayor Joseph Evangelista katuwang ang City Tricycle Franchising Regulatory Board at Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Associations – FKITA bilang pagkilala sa mga natatanging tsuper at may-ari ng mga tricycle na bumibyahe sa Kidapawan City.
Dalawang kategorya ang pagpipilian sa patimpalak.
Ito ay ang Best Tricycle at Best Driver 2019.
P15,000 na grand cash prize ang naghihintay sa mananalong Best Tricycle at Best Driver.
Sinimulan ng husgahan ng mga hurado ang animnapu at dalawang units na napili ng kani-kanilang mga asosasyon sa ilalim ng FKITA.
Ang mga hurado ng patimpalak ay sina Kidapawan LTO Head Genalinda Ganotice at kanyang deputy na si Sajid Abutasil, TMU Head Rey Manar, KCGEA President Alex Macasaet at ABC Vice President Morgan Melodias.
Maliban sa pinagandang unit, kinakailangan din na sumusunod sa itinakdang palisiya ng CTFRB ang bawat tricycle at higit sa lahat, walang kinakaharap na reklamo o violation sa TMU at LTO ang driver para mag-qualify sa patimpalak.
Ibababa sa dalawampu ang matitirang entries na siya namang pipiliing mananalo sa patimpalak ngayong Pebrero 11.
Mainit na pasasalamat naman ang ipinapaabot ng pamunuan ng FKITA kay Mayor Evangelista sa pagbibigay pugay at suporta nito sa sektor ng tricycle.##(CIO/LKOasay)
Photo caption – SEARCH FOR BEST TRICYCLE 2019: Sinuri ng mga hurado ang entry number 17 na unit ng tricycle na isa sa mga entries ng Hapsay Pasada Search for Best Tricycle 2019. Ang patimpalak ay isa sa mga tampok na aktibidad ng 21st Charter Day ng Kidapawan City sa Pebrero 12, 2019.(CIO Photo)