Indangan

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/10/10 | LKRO




Barangay Indangan

 

Nakuha ng baryo Indangan ang kanyang pangalan mula sa salitang “INDANG” na itinutugma sa isang malaking kahoy-gubat, pagkatapos na madaiti ang balat sa dahon, ito ay nakakaramdam ng pangangati sa buong katawan.

Noong unang panahon, kung ang mga tao ay di-makaalam sa direksiyon, ginagawa nilang palatandaan ang kahoy, tinatanong sila kung saan sila nakatira? Kung saan ang kanilang bahay? Saan sila pupunta? Saan ang kanilang lupa?

Sinasagot sila na doon sa “Indang”, na ang kahulugan ay nasa malapit sa kilalang malaking kakhoy sa Indang. Sa pagkalipas ng mahabang panahon, ito ay naging kasanayan na nang mga tao na sa kalaunan tinawag itong “INDANGAN”.

Tinatayang noong 1940, ito ay tirahan ng mga Manobo. Binubuo nila ang kanilang sarili katulad ng isang baryo at naglagay ng unang tenyente del baryo sa katauhan ni Simbahan Buned, isang bagobo. Si G. Serafin panes, isang Zambaleño, ang kanyang pangalawa, noong taong 1954, ang Makilala ay hiwalay bilang munisipiyo na ang hangganan ay ang ilog Saguing. Ang mga pinuno noon ng grupong Bagobo ay sina Onggok, Ogot, Buned at makalunang. Tinatawag nila  ang kanilangsarili katulad ng isang baryo at naglagay ng unang tenyente del baryo sa katauhan ni Simbahan Buned bilang tenyente del baryo.

Ang mga mamamayan ng Lower Indangan ay halos bagobo rin, na pinamumunuan nina Pandayan Amas, Layunan Sinbok, Adas Ambi, Sinwan Maway at Atig Landas, ns binuo ang kanilang mga sarili bilang isng sito na tinatawag nilang lower Indangan.

Ito ay naging ganap na baryo sa pamamagitan ng Atas Tagapagganap bilang 82 serye ng 1947.

 

Lupang Sakop: 384

Distansiya mula sa Kidapawan: 8.5 km.

 



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio