KADIWA COMMUNITY PANTRY NG DA XII AT CITY GOVERNMENT ISINAGAWA

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/05/06 | LKRO


thumb image

HALOS dalawang daang mga residente ng Poblacion Kidapawan City ang nakabenepisyo sa KADIWA Community Pantry na hatid serbisyo publiko ng Department of Agriculture XII, City Government of Kidapawan at ng mga Farmers and Cooperative Associations ng lungsod. Layun ng aktibidad na makapagbigay ng pagkain sa mga residenteng apektado ng Covid19 na hirap makabili nito sa kasalukuyan. Nanguna sa pagpapatupad ng Community Pantry si DA XII Regional Director Arlan Mangelen, City Mayor Joseph Evangelista at City Agriculturist Marissa Aton kung saan, ay ginanap sa Pavilion ng City Plaza buong araw ng May 6, 2021.Iba’t-ibang klase ng sariwang gulay, pangsahog, itlog, tilapia at prutas ang ipinamigay ng DA at ng City Government sa mga residenteng pumunta sa community pantry. Nagmula ang mga nabanggit na produktong pagkain sa mismong DA XII at sa mga vegetable and fruit growers ng Kidapawan City. Dahil na rin sa mga ipina-iiral na minimum health protocols kontra Covid19, inobliga ang lahat na sumunod dito tulad na lamang ng pagsusuot ng face mask at face shields, physical distancing, at disinfection habang kumukuha ng kanilang pangangailangang pagkain sa community pantry. Mahigpit din ang pagbabantay na ginawa ng City Government katuwang ang City PNP para masegurong nasusunod ang minimum health protocols at seguridad na rin ng mamamayan na nasa lugar ng aktibidad. ##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio