KALUSUGAN NG MGA BRGY OFFICIALS TITIYAKING MAAYOS NG CITY GOVERNMENT

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2024/01/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY ( January 23, 2024) – Inilunsad ng City Government of Kidapawan ang KK HIMSUG o ‘Kawani ng Kidapawan : Hatagan ug Igong Medikal nga Serbisyo Ug Giya sa maayong panglawas’, sa Barangay Malinan, isang napakalayong barangay ng lungsod nitong umaga ng Martes, January 23.

Layun ng programang ito ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na maalalayan ang kalusugan ng mga opisyal ng barangay, sa pamamagitan ng libreng medical consultation at laboratory, tungo sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko sa kanilang mga nasasakupan.

“Kapag malusog at hindi sakitin ang barangay official, magagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkuling maglingkod sa mamamayan”, mensahe pa ni Mayor Pao kina Punong Barangay Gemma Pajes at mga kagawad ng Barangay Malinan.

Nanguna sa pagbibigay ng libreng konsultasyon si Dr. Kenneth Pedregoza, MD. ng Department of Health katuwang ang mga health service providers ng City Health Office.

Tutulak naman ang kanilang team sa kalapit na barangay ng Patadon at Amas upang magbigay ng kahalintulad na libreng serbisyong medical sa mga punong barangay at kagawad.

Una ng inilunsad ang KK HIMSUG sa hanay ng mga opisyal at kawani ng City Government noong 2023 para sila ay iwas sakit at makapagbigay ng maayos na serbisyo publiko sa mamamayan.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio