NEWS | 2023/06/19 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 19, 2023) – PORMAL na ipinakilala ang abot sa 12 bagong itinalagang government doctors sa Lungsod ng Kidapawan sa ginanap ng Flag Raising Ceremony and Employee Convocation sa City Hall Lobby ngayong araw ng Lunes, Hunyo 19, 2023.
Ito ay kinabibilangan nina Dr. Lady Lyssah D. Salac na itinalaga sa Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA, Dr. Christine Delight Ruiz na itinalaga sa Universal Health Care – Primary Care Facility (North Easter Kidapawan UHC) na matatagpuan sa Barangay Mua-an; Dr. Kenneth O. Pedregosa na napabilang sa programang Doctors to the Barrios o DTTB, Dr. Jovelina Morillo, Dr. Christina Chen, Dr. Meriefleur Eddah Gabunales, Dr. Aenizylle Lara Salvilla, na pawang nakatalaga sa City Health Office o CHO; Dr. Jose Martin M. Evangelista, Pediatrician – CHO; Dr. Ted Calica – CHO; at mga dentists na sina Dr. Michelle Debelos, Dr. Marietta Teofilo, at Dr. Maricel Alvarez (augmentation from Dept. of Health).
Malugod naman silang binati ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kasama ang mga Konsehal ng lungsod na sina Jason Roy Sibug, Carlo Agamon, Galen Ray Lonzaga, Michael Ervin Ablang, at ABC Pres/Ex-Officio Morgan Melodias at ng mismong mga empleyado ng City Government of Kidapawan.
Dumalo din sa aktibidad sina City Health Officer Dr. Jocelyn Encienzo, Assistant City Health Officer Nerissa Paalan, at Admin Officer IV Ian Russel Gonzales.
Nangako naman ang naturang mga doktor na pag-iibayuhin ang kanilang serbisyo alisunod sa mandato ni Mayor Evangelista na laging unahin ang kapakanan ng mamamayan partikular na sa aspeto ng kalusugan at kaligtasan