NEWS | 2023/02/27 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Pebrero 27, 2023) – SA Flag raising-ceremony at employees convocation na ginanap sa City Hall lobby ngayong umaga ng Lunes, Pebrero 27, 2023 ay inihayag ng Kidapawan City Jail District ang mga achievements ng tanggapan nitong nakalipas na 2022 hanggang sa kasalukuyan.Si JCINSP Teddy G. Uchi, Jail Warden ng KCDJ na nanguna sa Panunumpa ng Lingkod Bayan ay nanguna rin sa pagbibigay ng mga nakamit ng tanggapan sa pamamagitan ni JO1 Amfrechine V. Namuag na siyang bumasa ng jail matters and updates kabilang ang mga sumusunod: Provision of basic needs kung saan napapagkalooban ng pagkain ng tatlong beses bawat araw ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL; Health Services kabilang ang paggamot sa karamdaman ng mga PDL kasabay ang regular monitoring ng kalusugan at pagpapainit sa araw ganundin ang ehersisyo; Educational Program kung saan binibigyan ng edukasyon ang mga PDL (elementary to senior high school) sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS, at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA scholarship.Kabilang din sa mga naibigay ng pamunuan ng KCDJ sa kanilang mga PDL ay Skills Training and Enhancement Program katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan, Livelihood Program kung saan kumikita ang mga PDL sa pamamagitan ng paglikha ng mga souvenir items, floor mat, pot holders, at iba pa; Interfaith Program na nagbibigay ng pagkakataon sa kanila na maipahayag ang pananampalataya o paniniwala.Pasok din sa achievements ng KCDJ ang Cultural and Sports Program na nagsusulong ng sportsmanship and camaraderie ang paggalang sa kultura ng bawat isa; Paralegal Program na nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon sa mga PDL na mapa-aga ang kanilang paglaya sa pamamagitan ng iba’-t-ibang legal na pamamaraan; at ang E-Dalaw Service kung saan may pagkakataon ang PDL at kanyang pamilya na magkita o magkausap online lalo pa kung hindi agad makakadalaw ang pamilya.Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang pamunuan ng KCDJ sa pangunguna ni JCINSP Uchi sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa sa pasilidad at pagsusulong ng mga hakbang na ikabubuti ng mga PDL.Sinabi ni Mayor Evangelista na sa kabila ng kanilang kapalaran kung saan nakasadlak sila sa bilangguan ay may dignidad at karapatan pa rin sila bilang mga tao at maaari pang magbagong buhay kung kaya’t patuloy ang kanyang liderato sa suporta sa mga programa ng KCDJ. (CIO-jscj//if//dv)