NEWS | 2022/05/30 | LKRO
KIDAPAWAN CITY –MAGPAPATULOY ang pagsaliksik at paglalathala ng kasaysayan ng Kidapawan City sa pag-upo ni incoming City Mayor Atty. Pao Evangelista.
Nais ng bagong alkalde na ituloy ang proyektong sinimulan at kinomisyon ng kanyang ama na si outgoing City Mayor at ngayo’y Senior Board Member ng Cotabato Province 2nd Legislative District Joseph Evangelista.
Nitong May 27, 2022 ay personal na iniabot ni Writer-Historian Karlo Galay David, at Propesor ng Creative Writing ng Silliman University na siyang may akda ng Journal of Philippine Local History and Heritage kung saan napabilang dito ang Kasaysayan ng Lungsod ng Kidapawan ang kopya ng kanyang akda sa bagong alkalde.
Matatandaang una ng kinomisyon ni Mayor Evangelista si David upang magsaliksik at isulat ang kasaysayan ng lungsod dahil walang ano mang material patungkol dito ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP.
Personal na iniabot ni David ang kopya ng kanyang akda kay Incoming City Mayor Atty Evangelista kung saan ay itiniyak nito ang pagpapatuloy ng proyekto.
May kopya na rin nito ang NHCP ayon pa kay David.
Makakatulong ang proyekto para na rin sa kaalaman ng mga Kidapawenyo sa kung papaanong nagsimula ang bayan ng Kidapawan patungo sa pagiging component city nito sa kasalukuyan.
Mahigit sa 200 pahina ang natapos na sa akdang Kasaysayan ng Lungsod kung saan ilan lamang sa highlights nito ay ang mga sumusunod: Timeline of Kidapawan History, Family Tree ng mga tribo, mga listahan ng municipal at city officials, pinagmulan sa salitang ‘KIDAPAWAN’, oral history ng lungsod, Kidapawan sa panahon ng mga Amerikano at Pangalawang DIgmaang Pandaigidig, pagdating ng mga mamamayang Muslim, Post War Kidapawan, at ang pagtatag ng Bayan ng Kidapawan na mula sa noon ay Empire Province of Cotabato. Sa ngayon ay patuloy pang sinusulat ni Galay ang mga sumusunod na pangyayari sa kasaysayan ng lungsod: listahan ng mga Teniente del Barrio at Kapitan ng Barangay, pagtatag ng Mt. Apo Natural Park, panahon ng People Power Revolution sa pamumuno ni OIC Mayor Florante Respicio, termino ng mga dating Mayor na sina Augusto Gana, Luis Malaluan, Rodolfo Gantuangco pati na ang kay outgoing City Mayor Joseph Evangelista at ang mga nangyari sa Cityhood ng Kidapawan mula 1998 hanggang sa kasalukuyan.##(CIO)