NEWS | 2019/08/15 | LKRO
Kidapawan City LGU inirekomendang muling tumanggap ng SGLG Award
KIDAPAWAN CITY – INIREKOMENDA NA MULING makatanggap ng Seal of Good Local Governance ang City Government matapos pumasa sa national evaluation noong August 14, 2019.
Nakakuha ng matataas na marka ang City LGU sa SGLG Evaluation lalo na sa mga core areas na binigyang diin ng pagsusuri na kinabibilangan ng: disaster preparedness; anti-illegal drug campaign; social services; environmental protection at utilization of public funds.
Magiging four time winner na ng SGLG ang Kidapawan City Government kapag napili ng DILG na muling tatanggap ng award.
Nauna ng naging SGLG Hall of Famer ang lungsod matapos tumanggap ng selyo noong 2016, 2017 at 2018.
Ang SGLG ay ginagawad sa mga natatanging Local Government Units ng bansa na nakapagbigay ng maayos na serbisyo publiko at nagpakita sa tapat na pamamahala at paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Maliban sa pagtanggap ng selyo ng maayos na pamamahala, may kalakip din na Performance Challenge Fund na siyang gagamiting pondo naman ng mananalong LGU sa programa at proyekto.
Ang Kidapawan City lamang ang naging consistent na LGU sa Rehiyon 12 na pumasa at nominado sa SGLG Award mula taong 2013, pagbubunyag pa ni City Mayor Joseph Evangelista.
Kinabibilangan nina LGOO VII Mediatrix Aliño at LGOO V Hanna Lynel Elveña ng DILG Cordillera Administrative Region ang mga evaluators ng SGLG.
Kanilang sinuri ang mga dokumento patungkol sa mga nabanggit na core areas at nagsagawa din sila ng interviews sa mga department heads ng City Hall na siyang naatasan na ipatupad ang mga programa at proyekto sa ilalim ng disaster preparedness; anti-illegal drug campaign; social services; environmental protection at utilization of public funds.
Kanila ring binista ang iilang proketo at pasilidad na naipatupad na ng City Government sa ilalim ng mga nabanggit na core areas.##(cio/lkoasay)
Photo caption – Disaster Preparedness Program nakakuha ng mataas na marka sa SGLG: Ipinaliliwanag ni CDRRMO Psalmer S. Bernalte kay SGLG Evaluator LGOO V Hanna Lynel Elveña kung papaano ipinatutupad ng City Government ang mga programa nito patungkol sa paghahanda tuwing may kalamidad at pagtulong sa mga biktima nito. Isa ang mga programa ng CDRRMO na nakakuha ng mataas na marka sa nangyaring SGLG evaluation noong August 14, 2019.(cio photo)