NEWS | 2021/05/19 | LKRO
TUMANGGAP na ng kanyang unang dose ng Astra Zeneca anti Covid19 vaccine si City Mayor Joseph Evangelista sa Vaccination Roll Out ng City Government at DOH umaga ng May 19, 2021.
Ginawa ang pagbabakuna sa Kidapawan Doctors College, Inc. (KDCI) campus kung saan ay nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga senior citizens sa kasalukuyan.
Ayon kay Mayor Evangelista, personal niyang hiniling kay Senator Bong Go sa pagdalaw nito sa lungsod noong May 12, 2021 na mabigyan na ng bakuna ang mga alkalde dahil sila man din ay maituturing na frontliners at humaharap sa kanilang constituents sa araw-araw.
Hindi naman nabigo si Mayor Evangelista sa kahilingang ito àt pinayagan na ng National IATF for Covid-19 ang pagpapabakuna ng alkalde.
Maliban sa magagampanan na niya ng mas maayos ang kanyang tungkulin sa mamamayan ngayong panahon ng pandemya, magsisilbi din itong ehemplo sa iba na magpabakuna na kontra Covid19, ani pa ni Mayor Evangelista.
Ng tanungin patungkol sa mga panibagong implementasyon ng quarantine protocols dala ng tumataas na kaso ng Covid19 sa lungsod, magpapalabas ng bagong direktiba si Mayor Evangelista na agad ding ipatutupad sa mga susunod na araw.
Layun nito na malimitahan ang paglabas ng mamamayan para sa mga non- essential na bagay at pagkontrol sa mass gathering na tinuturong dahilan sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Aabutin pa ng walo hanggang labindalawang linggo bago pa matatanggap ni Mayor Evangelista ang kanyang pangalawang dose ng Astra Zeneca Vaccine.
Samantala, sa third quarter ng taong kasalukuyan, ay darating na ang bakunang bibilhin ng City Government para sa tinatayang 40,000 na mga Kidapawenyo na hindi nakasali sa of Health, pagbubunyag pa ni Mayor Evangelista para matiyak ang vaccination ng mas maraming bilang ng mamamayan. ##(cio)