NEWS | 2019/03/11 | LKRO
Kidapawan City Tourism Officer umapelang tangkilikin ang iba pang resorts sa lungsod
KIDAPAWAN CITY—HINIMOK ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recemilla ang mga turista na tangkilikin din ang mga lokal na turismo ng lungsod kasunod nang opisyal na pagsasara ng Mount Apo ngayong araw (March 11).
Sinabi ni Recemilla na kahit suspendido ang taunang Apo Sandawa Climb, tuloy naman ang Apo Sandawa Festival na gagawin sa may Lake Agco Mahomanoy Resort.
Tampok sa nasabing festival ang pagpapakita nang mga kasuotan at sayaw nang mga katutubong naninirahan sa paanan ng bundok.
Maaari ring bisitahin ang boiling lake at magpakasawa sa paglalagay ng mud pack mula rito na pinaniniwalaang nakakaganda nang balat para sa mga turistang beauty conscious.
Mayroon ring mainit at malamig na pool kung saan puweding magbabad nang one to sawa .
Samantala, pinayuhan din ni Recemilla ang mga turista na nais bumisita sa Kidapawan na tangkilikin din ang Paniki Falls sa Barangay Balabag.
Nakamamangha ang tanawin doon dahil maliban sa makakapal pa ang mga kakahuyan, mayroon ding makukulay at naggagandahang mga bulaklak.
At kung suswertehin, makakakita pa nang mga wild monkeys at iba pang hayops na aali-aligid sa makapal na kakahuyan.
May mga ilog din na malinaw ang tubig na dadaanan bago marating ang kamangha-manghang talon.
Dagdag pa ni Recemilla kung nais lang naman ng mga turista na hindi na mapagod pa, may mga private resorts naman sa Kidapawan na maaring bisitahin.
Pinaka-sikat dito ang Elai Resort kung saan sa taas nang kanilang swimming pool ay naroon ang Mount Apo Airline, isang eroplano na ginawang function room ng nasabing resort. (CIO/Williamor A. Magbanua)
Photo: The cascading Paniki Falls in Barangay Balabag, Kidapawan City (Courtesy: CITY TOURISM OFFICE)