Kidapawan City vaccination update: Abot sa 3,284 front liners, 2,521 senior citizens, at 687 persons with controlled comorbidity nabakunahan na

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/06/24 | LKRO


thumb image

Kidapawan City (June 22, 2021) – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpapaturok ng Covid-19 vaccine sa Kidapawan City at nagtitiwala sa proteksyong dulot ng bakuna, maging ito man ay Sinovac o AstraZeneca. Sa pinakahuling data ng City Epidemiology Surveillance Unit o CESU, abot na sa 3,284 front liners ang nabakunahan na o katumbas ng 90.69% ng kabuuang target na 3,621vaccinees. Abot naman sa 2,521 na mga senior citizens ang naturukan na o katumbas ng 19.32% ng kabuuang target na 13,044 vaccinees habang nabakunahan na rin ang abot sa 687 o katumbas ng 14.98% na mga indibidwal na nagkakaedad ng 18-59 years old na may controlled comorbidity o iyong may mga karamdaman ngunit may iniinom na mga gamot. Sinabi ni CESU Head of Operations Dr. Nerissa Paalan na tuluy-tuloy ang vaccination ayon na rin sa inilatag na vaccination plan ng City Government of Kidapawan at sa maayos na proseso ng vaccination sa lungsod. Ikinatuwa ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang bagay na ito kasabay ang pahayag na kailangang mabakunahan ang malaking bilang ng mga mamamayan ng lungsod upang matamo ang herd immunity sa Kidapawan City. Hindi naman ikinaila ni Mayor Evangelista ang kanyang pagkadismaya sa tila mabagal na pagdating at maliit na supply ng mga bakuna sa lungsod mula sa DOH. Ayon sa alkalde, malinaw naman na maganda ang takbo ng pagbabakuna sa lungsod. Tumataas na rin ang acceptance at tiwala ng mamayan sa bakuna kaya’t nagtatanong na ang mga ito kung kaylan sila matuturukan.Kaugnay nito, nanawagan ang alkalde sa kinauukulang ahensiya na ikonsidera ang maayos na vaccination sa lungsod at gawin itong basehan upang mapabilis at madagdagan pa ang allocation ng vaccine para sa mamamayan.Samantala, muling nanawagan ang CESU sa mga eligible vaccinees sa ilalim ng Priority Lists A.1 o mga medical at health front liners, A.2 o mga senior citizens, at A.3 o mga persons with controlled comorbidity na huwag sayangin ang pagkakataon na mabakunahan at tiyaking makapunta sa mga vaccination sites kapag sila ay tinawagan na para sa schedule ng kanilang pagpapabakuna. Sisimulan na rin umano ng CESU sa lalong madaling panahon ang pagpapatala ng mga A.4 o mga economic frontliners. Para sa karagdagang katanungan maaaring tumawag o mag-text sa CESU Vaccination Hotlines (0946) 921 9220 and (0997) 169 0348 (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio