Kidapawan Farmers’ Market, bubuksan sa Biyernes

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/11/15 | LKRO


thumb image

Kidapawan Farmers’ Market, bubuksan sa Biyernes

Murang farm products ba ang hanap ninyo, hali na at dayuhin ang Farmer’s Market na nakatakdang bubuksan sa darating na Biyernes.

Ibat-ibang mga produkto gaya nang murang gulay, mga itlog at iba pang mga produktong pang agrikultura ang ibebenta sa murang halaga sa Farmer’s Market na matatagpuan sa pavilion ng city plaza.

Ayon kay Mayor Joseph A. Evangelista, ang pagbubukas ng Farmer’s Market ay naisakatuparan sa kahilingan narin ng mga farmer’s cooperatives.

Mas higit na mura ang mga paninda sa Farmer’s Market dahil ang mga produkto ay diretso nang ibebenta ng mga magsasaka at hindi na dadaan pa sa mga middlemen.

Mahigit sa dalawampung mga farmer’s association ang nagpahayag nang kahandaang mag display ng kanilang mga paninda sa pagbubukas ng night market.

Nilinaw ni Mayor Evangelista, na papayagan lamang na makapag display ng kanilang mga paninda ang mga farmers association kapag sila mismo ang nagtani at sa mismong barangay nila inani ang mga produktong ibebenta.

Pinag aaralan din ngayon ng City Agriculture’s Office (CAO) kung papayagan ang pagbebenta rin ng karne maging ng mga isda sa Farmers’ Market.

Maging ang pagtitinda ng mga livestock’s ay pinag iisipan din ng LGU.

Isinaalang alang din kasi ng City Government ang sanitation sa lugar lalo pa at inaasahang maraming mga Kidapaweno ang bibisita sa sa city pavilion.

Gayunman, kampante si Mayor Evangelista na maraming mga taga lungsod ang tatangkilik sa Farmers’ Market lalo pa at mas lalong higut na mura ang presyo ng mga paninda dito.

Inanyayahan din ng alkalde ang mga kalapit bayan na dumayo sa Farmers market at tangkilikin ang mga panindang mula mismo sa sakahan at taniman ng mga magsasaka sa Kidapawan. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio