Livelihood programs tumulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga kababaihan – Mayor Evangelista

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/03/16 | LKRO


thumb image

Livelihood programs tumulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga kababaihan – Mayor Evangelista

KIDAPAWAN CITY – PRAYORIDAD pa rin para kay City Mayor Joseph Evangelista ang pagbibigay tulong kabuhayan para sa sektor ng kababaihan sa lungsod.

Binigyan ng tulong ng alkalde ang mga kababaihan sa pamamagitan ng mga sustainable livelihood programs na nakatulong na mai-angat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Muling sinabi ni Mayor Evangelista ang pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan sa mga kababaihan sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Ilan lamang dito ay ang pagbibigay niya ng titulo ng lupa para sa Rural Improvement Club o RIC Women’s organization para maitaguyod ang kanilang hanapbuhay.

Matatagpuan ang lupain at gusali ng RIC sa tabi ng City Gymnasium.

Gumagawa sila ng masarap na kape at nananahi ng mga damit sa nabanggit na pasilidad.

May Beauty Salon na rin sila na matatagpuan sa Women’s Training Center sa Mega Market.

Kamakailan lang ay tumanggap ng mga makinang panghabi ng Indigenous Attire ang mga kasapi ng IP Women’s Federation ng Kidapawan City mula sa City Government.

Gagamitin ito sa paghahabi ng mga kasuotang katutubo para suotin ng mga estudyante sa kanilang klase sa mga araw ng biyernes.

May nakalaan din na kabuhayan assistance para sa iba pang tribal, indigent at moro women na ibibigay si Mayor Evangelista.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa interventions ng City Government para mabigyan ng kabuhayan ang mga kababaihan sa lungsod.##(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio