MAHIGIT 200 MALILIIT NA MAGSASAKA NAKATANGGAP NG CASH AT FOOD ASSISTANCE MULA SA DA XII

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/04/13 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – MAHIGIT sa 200 na mga magsasaka ng Kidapawan City at bayan ng Kabacan ang nakatanggap ng cash at food assistance mula sa Department of Agriculture XII nitong April 13, 2021 sa isang seremonyang ginanap sa Mega Tent ng City Hall.

Tumanggap ng Php3,000 cash, kalahating sako ng bigas at tig limang kilong dressed chicken ang mga farmer – beneficiaries ng ayuda mula sa ahensya.

Pamamaraan ito ng DA na makatulong na maibsan ang hirap ng maraming maliliit na magsasaka sa lalawigan ng Cotabato na apektado ng krisis na dulot ng Covid19 pandemic.

Sila yaong mga magsasaka na hindi napabilang sa Special Amelioration Program o SAP na tulong pantawid mula sa National Government sa panahon ng pananalasa ng Covid19 pandemic.

Mga magsasaka ng niyog, mais at palaisdaan na nasa isang ektarya pababa ang tumanggap ng tulong mula sa DA, ayon pa sa City Agriculture Office na isa sa mga nangasiwa sa pagbibigay ng nasabing tulong.

Matatandaang nagbigay kamakailan lang ng tig-lilimang libong pisong ayuda ang National Government sa mga indigent population bilang Amelioration assistance para pantawid sa panahon ng pananalasa ng Covid19.

Dumaan sa validation ng DA at ng mga Municipal Agriculture Office ng probinsya ng Cotabato ang pag-identify sa mga farmer – beneficiaries. 

Pasasalamat naman ang ipina-aabot ng mga magsasakang nakatanggap ng tulong mula sa Pamahalaan. ##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio