NEWS | 2019/09/24 | LKRO
Mahigit limang libo kukuha ng LET sa lungsod sa September 29, 2019
KIDAPAWAN CITY – 5,356 na mga Licensure Examination for Teachers o LET ang kukuha ng pagsusulit sa pitong testing centers sa lungsod sa araw ng linggo September 29, 2019.
Karamihan sa mga LET Examinees ay magmumula pa sa mga karatig bayan ng lungsod na piniling dito kumuha ng pagsusulit upang magkaroon ng lisensya bilang Professional Teachers.
2,315 na bilang ang Elementary LET Examinees samantalang 2,041 ang sa Secondary, ayon na rin sa Professional Regulation Commission – PRC na siyang mangangasiwa sa pagsusulit.
Pitong mga testing centers ang ilalaan ng City Government at PRC para sa mga mag-eexam.
Ito ay kinabibilangan ng : Kidapawan City National High School main campus; Kidapawan City Pilot Elementary School; Central Mindanao Colleges; Notre Dame of Kidapawan College; Colegio de Kidapawan; Felipe Swerte Elementary School at ang Kidapawan Doctors College.
Magpapalabas naman ng memo ang opisina ni City Mayor Joseph Evangelista na nag-uutos sa ilang mga empleyado ng City Government na tumulong sa paghahanap ng testing rooms at alalayan ang mga examinees.
Istrikto din na ipatutupad ang seguridad sa paligid ng mga testing centers ng LET.
Pina-alalahanan naman ni Mayor Evangelista ang mga nagmamay-ari ng mga business establishments, mga tricycle drivers at maging ang publiko sa pangkalahatan na igalang at ayusin ang pakikitungo sa mga examinees bilang pagpapakita na rin sa magandang imahe ng lungsod sa mga dayo at bisita nito.##(cio/lkoasay)