NEWS | 2024/02/15 | LKRO
KIDAPAWAN CITY – (February 13, 2024) MAHIGIT SA LIMANDAANG LIBONG piso (P527, 753.02) na halaga ng mga personal na gamit ang ibinigay ng Regional Juvenile Justice Welfare Commitee o RJJWC sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development XII sa mga batang nakatira sa Kidapawan City Youth Center o KCYC.
Inabot ni DSWD XII Assistant Regional Director for Operation Bonifacio Selma, Jr., RSW ang mga nabanggit kina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at CSWDO Daisy P. Gaviola.
Bahagi ito ng Bahay Pag asa Support Project ng RJJWC.
Sa Kidapawan, direktang makikinabang dito ang sampung mga Children In Conflict with the Law o CICL na nakatira sa KCYC facility sa Barangay Singao ng lungsod.
Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat sa RJJWC si Mayor Evangelista sa ibinigay nitong gamit para sa mga CICL sa pamamagitan ng DSWD.
Nabigyang pagkakataon din si Mayor Evangelista na kumustahin at maka daupang palad ang mga batang nakatira sa pasilidad sabay ang panghihikayat sa mga ito na gumawa ng mabuti para na rin sa kanilang kapakanan at pag unlad.