Mahigit tatlong libong mga Frontline Health Workers at mahigit apat na libong senior citizens sa Kidapawan City nabakunahan na ng Covid-19 vaccine

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/06/07 | LKRO


thumb image

Mahigit tatlong libong mga Frontline Health Workers at mahigit apat na libong senior citizens sa Kidapawan City nabakunahan na ng Covid-19 vaccine

Abot na sa 3,019 o 85.33% ang bilang ng mga Frontline Health at Medical Workers o Priority List A.1 at 4,258 o 27.92% na mga senior citizens o Priority List A.2 ang naturukan na ng Covid-19 vaccine sa Kidapawan City.

Ito ay ayon sa City Epidemiology Surveillance Unit o CESU Kidapawan kung saan may target vaccinees na 3,538 front liners at 15,250 senior citizens sa lungsod.

Sa bilang na 3,019 frontliners, abot naman sa 1,807 o 59.85 % ang nakumpleto na ang bakuna o naturukan ng second dose habang sa bilang na 4,258 senior citizens ay abot na sa 2,126 o 49.93 % ang naturukan na ng second dose o nakumpleto na ang bakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni CESU Operations Head Dr. Nadine Paalan na tuluy-tuloy lang ang CESU sa roll out ng bakuna sa Notre Dame of Kidapawan College o NDKC at Kidapawan Doctors College, Inc. 0 KDCI bilang mga designated vaccination sites sa lungsod.

Kaugnay nito, nanawagan din si Dr. Paalan sa publiko partikular na sa eligible vacinees na tangkilikin ang bakuna maging ito man ay Sinovac o AstraZeneca dahil ito lang ang paraan upang matamo ang herd immunity at makontrol ang pagdami ng kaso ng Covid-19. 

Samantala patuloy pa ang CESU sa pagpapatala ng Priority A.3 o mga adults with comorbidity (18 to 59 years old) at hinihimok ang partikular na sector na ito na samantalahin ang pagkakataon at makipag-ugnayan sa kanilang mga Barangay Health Stations o sa mismong tanggapan ng CESU upang maisali sila sa talaan ng mga vacinees. (CIO)

#LabanKidapawan

#Wehealasaone



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio