MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG IKA-24 CHARTER DAY NG LUNGSOD NG KIDAPAWAN MAGIGING SIMPLE LAMANG DAHIL NA RIN SA BANTA NG COVID-19

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/01/26 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – DAHIL  SA NAGPAPATULOY NA BANTA NG COVID19, AY GAGAWING SIMPLE NGUNIT MAKABULUHAN ang pagdiriwang ng ika- 24th Foundation Anniversary ng Lungsod ng Kidapawan pagsapit ng February 4-12, 2022.

Kaugnay nito, nakapaghanda ng ilang mga aktibidad ang City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Tourism Office at City Investment and Promotions Office na karamihan ay virtual o on-line.

Ito ay upang maiwasan ang social gathering o pagdagsa Ng mga mamamayan at masunod ang ipinatutupad na guidelines ng COVID-19 sa ilalim ng Alert Level 3.

Ang mga tampok na aktibidad sa ika-24 taong Cityhood Anniversary ng lungsod at ang mga sumusunod:

February 4, 2022 ganap na alas-kwatro ng hapon Kidapawan Lungsod na Pinagpala Art Exhibit for a Cause (Tabang Bohol II) by Inirugyun Artists Guild sa Gaisano Grand Mall Kidapawan.

February 5, 2022 Thematic Costume Tiktok Dance Challenge.

February 6, 2022 “Katunhayan” Art Painting Contest and Exhibit sa Gaisano Grand Mall Kidapawan @ 4:00 PM.

February 7, 2022 12:00PM Online Photo Contest “City Scape”.

February 7, 2022 4:00 PM Kidapawan Search for Model OFW Family of the Year sa Kidapawan City Convention Hall.

February 8, 2022 12:00 PM Online Photo Contest: ‘Resorts/Vacation Home Rentals/Day Farm/Farm Stay”.

February 9, 2022 12:00pm ‘Project Kamustahan” ng Sangguniang Kabataan Federation Webinar on Mental health, Adolescent, Sexual and Reproductive Health.

February 10, 2022 12:00 PM Kidapawan online Talent Showdown “ Senior Citizen’s Pulong sa Hinigugma” A Visayan Spoken Poetry (Balak Competition).

February 10, 2022 4:00 PM Kidapawan Online talent Showdown: “Senior Citizen’s Sonata” Harana (Song Solo) Competition.

Mapapanood ng live ang mga aktibidad sa Culmination Program ng 24th Charter Day via live streaming sa Facebook page ng City Government of Kidapawan at City Tourism Office.##(CIO/JSC/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio