MATAGUMPAY NA PAGPAPATUPAD NG LGSF-BDSF ELCAC PROJECTS SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN IBINAHAGI NI BOARD MEMBER EVANGELISTA SA MGA DILG OFFICIALS NG CARAGA REGION

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/07/15 | LKRO


thumb image

(KIDAPAWAN CITY – July 15, 2022) IBINAHAGI ni dating Kidapawan City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd District Senior Board Member Joseph Evangelista sa mga DILG Officials ng Caraga Region ang matagumpay na pagpapatupad ng Local Government Support Fund – Barangay Development Support Funded Project o LGSF-BDSF sa lungsod.

Bumisita sa Lalawigan ng Cotabato ang mga DILG Officials ng Caraga ngayong umaga ng Biyernes July 15, 2022 para sa kanilang tatlong araw na benchmarking sa kung papaanong naipatupad ang mga proyekto ng LGSF-BDSF sa probinsya.

Ang LGSF-BDSF ay bahagi ng whole of nation approach ng nagdaang Duterte Administration sa ilalim ng End to Local Communist Armed Conflict o ELCAC na naglalayong ilapit ang mga programa ng pamahalaan sa mga barangay na may presensya ng mga komunistang grupo. 

Ayon kay BM Evangelista, ang Kidapawan City ang siyang may pinakamataas na accomplishment sa pagpapatupad ng BDSF-LGSF sa buong SOCCSKSARGEN Region.

Patunay rito ang 35 Mula sa  44 proyektong pangkaunlaran ng LGSF-BDSF ELCAC ang matagumpay na naipatupad sa Kidapawan City.

Mula sa P140M na pondong galing sa National Government, nasa mahigit P110 Million o 79% implementation rate na ang naipatupad na proyekto sa anim na identified barangay ng lungsod.

Mga proyekto gaya ng road concreting, rural health centers, water system, livelihood programs at iba pa ang ilan lamang sa mga proyektong naipatupad sa ilalim ng LGSF-BDSF, ayon pa kay BM Evangelista.

Pinangunahan nina FAD Chief Jocelyn C. Jayoma at LGCDD Chief Annabel F. Yangson ang mga DILG Caraga regional at provincial officials na bumisita sa lungsod.

Una na silang nag-courtesy call kay Cotabato DILG Provincial Director Ali Abdullah bago tumungo Ng Kidapawan City.

Maliban sa personal na pagbisita at pakikipag usap kay BM Evangelista ay nagtungo din ang mga DILG officials ng Caraga sa LGSF-BDSF ELCAC Project sa barangay Sikitan ng lungsod, bilang bahagi ng kanilang ocular visit 

Ang Rehiyon ng Caraga ay siyang ikalawang pinakamalaking recipient ng programa ng LGSF-BDSF ELCAC sa buong bansa na may P3.8 Billion na pondo mula sa pamahalaan.

Ito (CARAGA) ay binubuo ng mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at ang Province of Dinagat Islands kung saan ipatutupad ang mga LGSF-BDSF ELCAC Projects. ##(CMO-cio



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio