Mayor Evangelista nanawagan sa pagrespeto sa mga mamamayang Muslim sa buong panahon ng Ramadhan

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/05/06 | LKRO


thumb image

Mayor Evangelista nanawagan sa pagrespeto sa mga mamamayang Muslim sa buong panahon ng Ramadhan

KIDAPAWAN CITY – NAKIKIISA SI City Mayor Joseph Evangelista mga opisyal at kawani ng City Government sa lahat ng mamamayang muslim sa pagsisimula ng Holy Month of Ramadhan ngayong May 6.

Pinananawagan ng alkalde sa lahat ang pagbibigay respeto sa mga mamamayang muslim sa panahon ng pagdiriwang.

Ang panawagan ay bilang pagkilala at pagpupugay sa mahalagang partisipasyon at kontribusyon ng mga muslim sa patuloy na pag unlad pa ng lungsod.

Isa sa mga five pillars ng Islam ang Ramadhan na tungkulin ng bawat muslim na ginugunita sa ika siyam na buwan ng Islamic (lunar) Calendar.

Sa panahong ito ay sila ay nag-aayuno sa pagkain at pag-inom at nagdarasal gamit ang Quran.

Magbibigay ng exemption ang City Government sa kanilang mga empleyadong muslim para matupad nila ang kanilang tungkuling ispiritwal sa panahon ng Ramadhan.

Nagtatapos ang buwan ng Ramadhan pagsapit ng Eid’ al Fitr o Hariraya Puasa kasabay ng pagtatapos ng panahon ng pag-aayuno.##(cio)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio