Mayor Evangelista nilalakad na ang paglalagay ng sangay ng DFA sa lungsod 

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/08/29 | LKRO


thumb image

Mayor Evangelista nilalakad na ang paglalagay ng sangay ng DFA sa lungsod

KIDAPAWAN CITY – NILALAKAD NA NI City Mayor Joseph Evangelista ang paglalagay ng opisina ng Department of Foreign Affairs sa lungsod.
Layun ng plano na makapagbigay ng agarang tulong sa mga Overseas Filipino Workers at yung mga nagnanais makakuha ng pasaporte na taga Kidapawan City at karatig lugar. 
Ito ay matagal ng pinaplano ng alkalde matapos ang matagumpay na paglalagay ng mga Satellite Offices ng Pamahalaan partikular ang National Bureau of Investigation at Professional Regulations Commission sa Kidapawan City.
Kapwa matatagpuan ang mga nabanggit sa City Overland Terminal ng lungsod.
Upang makakuha ng suporta sa planong ito, lumapit mismo si Mayor Evangelista kay Senate President Vicente Sotto III at Senator Manuel ‘Lito’ Lapid noong nakaraang linggo.
Hiniling ng alkalde ang suporta ng dalawang butihing mga senador upang maisakatuparan ang paglalagay ng sangay ng ahensya.
Maliban sa pagbibigay serbisyo sa mga OFW’s at pagpo-proseso ng pasaporte, mas magiging madali na lang para sa mga kapamilya ng mga distressed OFW’s na may problema sa ibang bansa na matulungan ng Pamahalaan sa pamamagitan ng DFA.##(cio/lkoasay)

Photo caption – MAYOR EVANGELISTA NAKIPAGPULONG KAY SENATE PRESIDENT TITO SOTTO: Humingi ng suporta mula kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III si City Mayor Joseph Evangelista at City Councilor Aljo Cris Dizon sa pinaplanong paglalagay ng sangay ng Department of Foreign Affairs sa Kidapawan City. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng agarang tulong ng Pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers na taga lungsod at mga karatig lugar sa pamamagitan ng DFA.(photo is from Mayor Joseph Evangelista Facebook Page)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio