NEWS | 2022/07/13 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (July 12, 2022)– HINIHIKAYAT NI City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang mga magulang na ipa booster shot na laban sa COVID-19 ang kanilang mga anak sa pagsisimula ng 1st booster shot vaccination ng 12-17 year old pediatric age group sa Lungsod ng Kidapawan, ngayong araw ng Martes July 12, 2022.
Makakatulong ng malaki sa mga bata na makaiwas sa komplikasyong dulot ng COVID-19 ang booster shot lalo na at inaasahang ipatutupad na ang 100% face-to-face instruction sa mga eskwelhanan sa pagbubukas ng panibagong school year pagsapit ng buwan ng Agosto, ayon kay Mayor Evangelista.
Target ng City Government na mabigyan ng unang booster shot ang 500 na mga bata edad 12-17 sa bawat schedule ng pagbabakuna sa mga araw ng Martes at Huwebes sa City Health Complex.
Pwede ng mabigyan ng booster shot ang mga bata edad 12-17 years old na hindi bababa sa limang buwan matapos nilang matanggap ang second dose ng primary vaccination, ayon sa CHO.
Kailangang dalhin at ipakita lamang ng mga magulang o guardian ang vaccination card ng mga bata bago magpabakuna ng booster shot.
Dadaan pa rin sa mandatory medical screening ang mga bata bago mabigyan ng booster shot.
Kaugnay nito ay patuloy pa ring magbibigay ng food packs gaya ng dressed chicken at bigas ang City Government sa bawat batang magpapabakuna ng booster shot. ##(CMO-cio)