NEWS | 2023/01/13 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Enero 12, 2022) – ENJOY na, may premyo pa. Ito ang pahayag ng mga nagwagi sa Stall-Rific – The Cleanest Stalls Contest sa Mega Market ng Kidapawan kung saan kalahok ang mga stall owners ng mga pangunahing bilihin tulad ng meat, fish, dressed chicken, at vegetable section.
Sa naturang contest may mga judges na pipili kung ano ang mga stalls na mananalo base sa kalinisan, pagiging organisado, at maganda sa paningin ng mga mamimili.
At para lalong maging inspirado ang mga tindero at tindera, ay magbibigay ng ng insentibo ang Mega Market Administration sa pamamagitan ng pa-premyo kaya naman patok ito sa mga stall owners
Sa ngayon ay nasa 3rd o pangatlong linggo na ang nabanggit na contest kung saan naideklarang panalo ang mga sumusunod na stall owners:
Dressed Chicken Section – Alfonso Mondia (Stall No. 61)
Fish Section – Antonieta Dorsey (Stall No. 21)
Meat Section – Mercedita Villegas (Stall No. 207)
Vegetable Section – Leticia Logarta (Stall No. 327)
Nagsimula ang Stall-Rific The Cleanest Stalls Contest nitong nakaraang Disyembre 2022 bilang isang inisyatiba ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na naglalayong himukin ang mga nagtitinda o mga stall owners na panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng kanilang mga pwesto.
Matatandaan na nitong unang linggo ng Enero 2023, sa first flag-raising ceremony ay inilahad ang mga nagwagi sa weekly judging at ito ay ang mga sumusunod:
Week 1
Dressed Chicken Section – Jeanette Abono (Stall No. 63)
Fish Section – Nelson Andan (Stall No.19)
Meat Section – Narcisa Carbon (Stall No. 225)
Vegetable Section – Lolita Palo (Stall No. 307)
Week 2
Dressed Chicken Section – Margarette Dorado (Stall 43)
Fish Section – Allan Tampan (Stall No. 72)
Meat Section – Analie Aleluia (Stall No. 222)
Vegetable Section – Ma. Angelita Caminos (Stall No.39)
Ayon kay Stella Hernandez, Head ng Local Economic Development and Investment Promotions Office o LEDIPO, tumanggap ng tig-P5,000 cash prizes ang mga winners at certificate of recognition mula sa City Government of Kidapawan.
Inaasahang magtutuloy-tuloy na ang contest na ito kung saan maeengganyo ang mga stall owners na panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng kanilang pwesto at mga paninda para na rin sa ikasisiya ng mga mamimili.