MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG PEDERASYON NG KAPISANAN NG MGA SENIOR CITIZENS NG KIDAPAWAN CITY, INC. (PKSCKCI) AT BARANGAY SENIOR CITIZENS ASSOCIATION (BSCA) NANUMPA NA SA TUNGKULIN

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/07/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 6, 2022) – GINANAP ang Oath-taking Program ng mga bagong halal na opisyal ng Pederasyon ng Kapisanan ng mga Senior Citizens ng Kidapawan City, Inc. at Barangay Senior Citizens Association o BSCA sa Kidapawan City Gymnasium noong Martes, July 5, 2022.

Nanguna sa nasabing mass oath taking si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kung saan pinasalamatan niya ang bawat Senior Citizen na dumalo at nakiisa sa mahalagang aktibidad.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Evangelista ang malaking kontribusyon  ng mga senior citizens para sa kaunlarang tinatamasa ng lungsod ngayon.

Tiniyak din niya ang buong suporta sa lahat ng mga proyekto at programa para sa kapakanan ng mga lolo at lola ng lungsod.

Pinangasiwaan naman ni Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) Head Susana L. Llerin ang nabanggit na aktibidad.

Ang mga bagong halal na opisyal ng PKSCKCI ay ang sumusunod: President –  Renato B. Torralba, Vice-President – Dominador G. Cabrera, Secretary – Lucy L. Occeña, Treasurer – Gloria Sarce, PIO – Lucia J. Omallano, Social Manager – Morita D. Gayotin, at Auditor –  Dionesia L. Bulawan.

Kabilang naman sa Board of Trustees sina Rogelio M. Genosas, Exeqiel L. Apoluna, Carlito S. Lanaja, Mary Joeralyn F. Eda, Constancio B. Vilvestre, Arturo A. Alquiza, at Damian M. Gasatan.

Kaugnay nito, lubos ang naging pasasalamat ni PKSCKCI Outgoing President Adelaida M. Letada sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng mga senior citizen upang pamunuan ang PKSCKCI sa loob ng isang taon.

Dagdag pa ni Letada na naghahangad sya na mas lalo pang pagbubutihin ng mga bagong opisyal ang katungkulan bilang mga kinatawan ng PKSCKI at BSCA.

Samantala, dumalo naman sa naturang pagtitipon si Assistant City Social Welfare and Development Officer Amy Espinoza na nagpahayag ng kanyang paghanga sa aktibong partisipasyon ng mga senior citizen sa mga gawain ng OSCA.

Sinabi din niya na maraming programa pa ang inihahanda  ng CSWDO para sa mga senior citizens.

Dumalo din sa mahalagang okasyon si City Councilor at Hon. Judge Francis E. Palmones, Jr. bilang isa mga panauhing pandangal.

Sinabi ni Palmones na tututukan nya ang mga programa para sa mga senior citizens ng lungsod at sisikaping  maipagpatuloy ang mga hakbang na nasimulan nina dating City Mayor Joseph Evangelista partikular ang panukala na taasan ang halaga ng monthly pension ng mga senior citizens na una ng tinalakay ngunit naantala dahil sa COVID-19 pandemic. (CIO-vh/aa)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio