NEWS | 2024/01/15 | LKRO
Kidapawan City (January 15, 2024) — Bilang pakikiisa sa ika-28 na National Autism Consciousness Week (mula January 14 hanggang 20), pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang isang panunumpa kasabay ng flag ceremony sa City Hall lobby kaninang umaga.
Ang panunumpa ay naglalayon na maiwasan ang pakikibahagi ng mga empleyado sa mga pangungutya sa mga taong mayroong ganitong kondisyon at ang pag-iwas sa paggamit ng salitang “autism” sa kahit na anumang biro.
Ang Autism ay isang kondisyon na may kinalaman sa brain development na nakakaapekto sa pagtingin at pakikipagtalastasan ng isang taong mayroon nito sa kanilang kasalamuha, kung kaya nagkakaroon ng problema sa social interaction at komunikasyon.