NEWS | 2023/03/28 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Marso 27, 2023) – ABOT sa 43 na mga kasapi ng Kidapawan Fish Vendors Association o KCFVA ang nakatanggap ng mga bagong digital weighing scale mula sa City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng Local Economic and Investment Promotion Office o LEDIPO.
Ginawa ang pamamahagi sa loob ng Kidapawan City Public Market o mega market nitong Marso 24, 2023.
Nagkakahalaga ng P3650 ang bawat weighing scale kung saan kalahati lamang ang babayaran ng mga vendors o P1,825 sa loob ng 12 buwan o katumbas ng P152 per month habang ang kalahati ay sagot na ng City Government of Kidapawan.
Mismong si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa naturang distribusyon ng libreng timbangan kasama si LEDIPO Head Stella Hernandez at mga personnel ng tanggapan kasama ang market administration.
Layon ng pamamahagi na ma-upgrade ang mga kagamitan ng mga fish vendors partikular na sa ginagamit nilang mga weighing scale.
Ipinaabot naman ng KCFVA ang kanilang pasasalamat kay Mayor Evangelista sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Noel Pagayon.
Inaasahan na sa pamamagitan ng mga bagong digital na timbangan ay mapapahusay pa ang takbo ng kalakalan sa Public Market o mega market ng lungsod. (CIO)