NEWS | 2022/12/13 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (December 13, 2022) – MADADAGDAGAN pa ang kakayahan ng mga kasapi ng Kidapawan City OFW Federation, Inc. o KCOFWI pagdating sa livelihood at income-generating project.
Ito ay sa ginaganap na 2-day Community-Based Training mula Dec. 13-14, 2022 tampok ang bread and pastries making sa City Pavilion.
Bahagi ito ng skills training na ibinibigay ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa mga indibidwal o grupo na tulad ng KCOFI na nais pang mapaangat ang kakayahan ng kanilang mga kasapi.
Una ng nakipag-ugnayan ang KCFOI sa Public Employment Service Office o PESO Kidapawan na tulungan isagawa ang bread and pastries making kaya inirekomenda ng huli ang pagsasagawa ng nabanggit na aktibidad, ayon kay PESO Manager Herminia Infanta.
Abot sa 103 miyembro ng KCFOI ang kalahok sa 2-day training at inaasahang makakapagsimula ng maliit na negosyo taglay ang natutunan sa bread and pastries, ayon kay Andrea Alvarez, presidente ng KCOFI.
Mula naman sa Provincial Training Center na nakabase sa Pigcawayan, Cotabato ang mga nagbigay ng kaalaman sa mga OFW-participants. (CIO-jscj//if//nl)