MGA PERSONS WITH DISABILITY, TUMANGGAP NG LIBRENG PHYSICAL THERAPY SESSION

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/09/18 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (September 13, 2023) TUMANGGAP ng libreng Physical Therapy (PT) Session ang dalawampung (20) Persons with Disability (PWD), kasabay ng pagdiriwang ng World PT Day sa Dizon Clinic, sa JP Laurel Street, Barangay Poblacion, nitong nakaraang Sabado, September 2.

Kabilang sa mga tumanggap ng libreng serbisyo, mula sa PWD Affairs Office, City Social Welfare and Development Office  (CSWDO), mga doktor at Physical Therapists, ang mga batang PWD mula sa Special Education Program o SPED ng Kidapawan City Pilot Elementary School.

“ Ang libreng PT session ay tulong natin sa mga kapatid nating PWD’s. Dahil may kamahalan ang pagpapa-therapy, nakipag coordinate tayo sa sektor ng mga physical therapists at malugod naman nilang tinanggap ang ating imbitasyon’, wika pa ni Persons with Disability Affairs Officer Louie Quebec.

Nagpasalamat ang mga nakabenepisyong PWD sa programang ito ng City Government.

Maliban sa libreng PT session, tinuruan din ang ilang mga benepisyaryo ni Dr. Jan Nathleen Dizon, isang Physical Medicine and Rehabilitation specialist , lalo na yung mga may edad na, ng mga paraan upang maiwasan ang sakit na arthritis at mga paraan upang mapanatiling malusog at malakas ang kanilang pangangatawan.##(CIO/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio