October 2020 Barangay SK Elections malamang na di muna matutuloy – Mayor Evangelista

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/09/03 | LKRO


thumb image

October 2020 Barangay SK Elections malamang na di muna matutuloy – Mayor Evangelista

 

KIDAPAWAN CITY – MALAKI ANG POSIBILIDAD NA hindi muna matutuloy ang October 2020 Barangay/Sangguniang Kabataan Elections. Ito ay ayon na rin kay City Mayor Joseph Evangelista na sinabi mismo sa kanya ni Senator Christopher Lawrence’ Bong’ Go kamakailan lang. Ani pa ng alkalde, sinabi sa kanya ng senador na may inihahandang ng Final Bill sa Kongreso na ipagpaliban muna ang halalan. Layun ng pagpapaliban na mabigyan ng sapat na panahon ang mga Barangay at SK officials na maipatupad ang kanilang mga sinimulang programa. Ibinunyag ng alkalde ang nabanggit na development pagkatapos ang Induction ng labing-anim na mga bagong SK Kagawad ng apat na barangay ng lungsod noong September 2, 2019. Sila yaong mga nanalong SK kagawad sa special elections noong December 2018 at January 2019 na pinangunahan ng Comelec at DILG. Nagmula sa mga barangay ng Singao, Luvimin, Perez at Lanao ang mga bagong SK Kagawad. Sa kabila nito, hinimok pa rin ni Mayor Evangelista ang mga bagong opisyal ng SK na gampanan at gawin ng maayos ang kanilang mga trabaho at responsibilidad. Nakatuon ang payo ng alkalde sa angkop na Liquidation at paggamit ng pondo ng SK, pag-alalay sa mga barangay officials, at paghahanda ng budget. Maliban pa sa P1,000 na honorarium sa SK, may nakalaan din na Special Trainings ang City Government para mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa pamamahala at tamang paggamit ng pondo.##(cio/lkoasay) photo caption – MGA BAGONG SK KAGAWAD NANUMPA NA: Ibinigay ni City Legal Office atty. Jose Paolo Evangelista ang Oath of Offices ng mga bagong akgawad ng SK noong Spetember 2, 2019.Personal din silang kinausap ni City amyor Joseph Evangelista sa kung papaano nilang magmpanan ng tama ang kanilang mga responsibilidad at trabaho bilang mag opisyal at lider ng mga kabataan.(cio photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio