NEWS | 2023/01/23 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Enero 23, 2023) – MATAPOS mamahagi ng abot sa 200,000 fingerlings ng hito at tilapia nitong nakalipas na linggo, ay muli na namang magsasagawa ng distribusyon ng fingerlings ang Office of the City Agriculturist bukas, araw ng Martes, Enero 24, 2023.
Gaganapin ang pamamahagi sa City Pavilion kung saan karagdagang mga benepisyaryo ang nakatakdang tumanggap ng binhi ng hito at tilapia para sa kanilang fishpond livelihood project, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.
Abot sa 100,000 fingerlings ang ibibigay ng Office of the City Agriculturist para sa 48 recipients ng tilapia at 10 recipients ng hito fingerlings, dagdag pa ni Aton.
Nagmula naman sa 16 na mga barangay ang mga fishpond owners at ito ay kinabibilangan ng Balabag, Balindog, Ilomavis, Indangan, Kalaisan, Linangkob, Manongol, Meohao, Mua-an, New Bohol, Ginatilan, San Isidro, San Roque, Sikitan, Santo Nino, at Singao.
Ang distribusyon ng fingerlings ay nakapaloob sa Cost Recovery Program ng City Government of Kidapawan kung saan mas makikinabang ang mga magsasaka at tiyak ang kanilang kita.
Layon din ng fingerlings distribution na tulungan ang mga interesado at kwalipikadong indibidwal magsimula ng fishpond livelihood project maging ang mga dati ng nag-aalaga ng hito at tilapia na palaguin ang kanilang hanap-buhay. (CIO-jscj//if)