PABUYA IBINIGAY NG CITY GOVERNMENT SA BPAT NA NAKAHULI NG MOTORCYCLE THEFT

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2024/01/22 | LKRO


thumb image

Kidapawan City (January 20, 2024) – Nabigyan ng bagong motorsiklo ang Barangay Peacekeeping Action Team o (BPAT) ng Brgy. Ilomavis, Kidapawan City na nakahuli ng motorcycle theft sa naturang Barangay. Mismong si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nagbigay ng pabuya sa ginanap na convocation program ngayong Lunes January 22, 2024.

Ayon sa Alkalde, ang ipinakitang katapangan ng mga BPAT ay nararapat lamang na mabigyan ng pabuya dahil sa ginawang sakripisyo at buwis buhay na pagganap sa tawag ng tungkulin. Umaasa s’yang ang nagawa ng BPAT ng Brgy. Ilomavis ay maging ehemplo sa iba pang mga barangay.

Ang motorsiklong natanggap ay magagamit ng mga BPAT sa araw araw na pagganap sa kanilang trabaho lalo na sa emerhensiya at pag papatrolya sa kanilang Barangay.

Matatandaang ipinag-utos ng alkalde ang pagpapaigting sa kampaya kontra kriminalidad dahil sa sunod sunod na nakawan, at hinamon ang mga alagad ng batas na sipagan pa ang pagbabantay sa lungsod.

Umaasa ang alkalde na sa nasabing hakbang mababawasan kung di man maibsan ang nakawan at krimen sa lungsod.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan din nila Councilors Galen Ray T. Lonzaga, Jason Roy Sibug, Judith G. Navarra, ABC President Ricardo Reforial at Sk Federation President Pearly Jean G. Balgos.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio