NEWS | 2022/06/30 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (June 29, 2022) – Sinimulan na ang pormal na pagbuo ng mga asosasyon para sa Person with Disability (PWD), Persons Who Used Drugs (PWUD) at Solo Parents sa limang priority barangays ng lungsod na kinabibilangan ng Barangay Amas, Poblacion, Sudapin, Ginatilan at Birada.
Ginanap ang orientation nito sa Convention Center, Kidapawan City, alas-diyes ng umaga, ngayong araw ng Huwebes, June 30, 2022.
Ang hakbang na ito ay kabilang sa requirement sa matatanggap na mga livelihood intervention mula sa gobyerno para sa nabanggit na mga sektor.
Ang nasabing programa ay naipatupad sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12
at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pangunguna ni Daisy P. Gaviola, ang Social Welfare and Development Officer ng lungsod katuwang Ang Department of Trade and Industry (DTI).
Umaasa naman si Gaviola na mas mapapabilis ang accreditation ng mga SLPA ng mga nabanggit na mga barangay sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Civil Society Organization (CSOs) para sa Local at Regional Level.
Samantala, dumalo naman sa nasabing aktibidad sina Focal Person for Solo Parents Jenny Lynne D.Langoyan, Focal Person for PWD Robelyn Borcelo, at Focal Person for PWUD’s Pamela Ann N. Peroy.
Nagbigay din ng crash course sa paggawa ng project proposal at constitution and bylaws sina Project Development Officer Michael Joseph S. Salera ng DSWD-SLP XII at Rofhe l Joy P. Cabaluna.
Masaya ang mga benepisyaryo ng naturang programa dahil sa mabibigyan sila ng kasanayan at kakayahan na itaguyod ang mga sarili sa pamamagitan ng pangkabuhayan na kanilang matatanggap mula sa asosasyon. (CIO-vh/aa/if)