PAGGAMIT NG GENDER-INCLUSIVE LANGUAGE SA LAHAT NG URI NG KOMUNIKASYON AT PUBLIKASYON SA CITY GOVERNMENT IPINAG-UTOS NI CITY MAYOR JPMA

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/11/04 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 4, 2022) – SA pamamagitan ng nilagdaang Administrative Order No. 05, series of 2022, – “An Order Directing the Use of Gender-InclusiveLanguage in All Written and Online City Government Communications and Publications”,  ipinag-utos ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang paggamit ng gender-inclusive language sa lahat ng official communications, maging ito man ay panloob o panlabas na komunikasyon sa lahat ng tanggapan ng City Government of Kidapawan.

Ibig sabihin nito, sakop ng AO No. 05 ang lahat ng mga departamento o opisina, personnel o worker ng City Government at maging ang Sangguniang Panlungsod kung saan inaasahang ang kanilang communication letter ay alinsunod sa nilalaman ng nabanggit na E.O.

Halimbawa nito ay ang paggamit sa mga sulat o publication ng “Chair o Chairperson” sa halip na “Chairman”, “Representative” sa halip na “Congressman”, “Police Office”r sa halip na “policeman”, businessperson sa halip na businessman ganundin ang paggamit ng “him/her” sa halip na “him” lamang.

Binigyang halaga ng A.O. No.05 ang fundamental right o karapatan ng isang tao kahit ano pa man ang antas o uri ng pamumuhay, kasarian, edad, kulay, relihiyon, political beliefs at iba pa.

Mapapalakas din ng kautusang ito ang paggalang sa dignidad ng tao at pagsugpo sa diskriminasyon at pang-aabuso sa kapwa.

Higit sa lahat, naniniwala si Mayor Evangelista na malaki ang magagawa ng paggamit ng mga tama o angkop na salita tungo sa pagbabago at pag-unlad ng bansa.

May penalidad naman na ipapataw sa mapapatunayang lumabag sa A.O. No. 05. (CIO-jscj//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio