PAGPAPALAKAS SA HANAY NG MGA FIREFIGHTERS TAMPOK SA ANNUAL FIRE SAFETY ASSEMBLY 2022 NG BFP COTABATO

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/10/13 | LKRO


thumb image

Kidapawan City (October 13, 2022) – SA layuning mapalakas pa ang kanilang hanay, dumalo ang mga personnel ng Bureau of Fire Protection o BFP mula sa tatlong distrito ng Lalawigan ng Cotabato sa Annual Fire Safety Assembly 2022.

Tampok sa nabanggit na assembly ang presentation of updates mula sa iba’t-ibang BFP stations sa lalawigan.

Nakapaloob din sa aktibidad ang Fire Safety Lecture mula kay BFP Provincial Chief-Fire Protection Branch SFO2 Cecilia P. Nabor, Fire Incident Report Making mula kay FO1 Krystel G. Hernandez, Fire Protection Branch staff at open forum sa pangunguna  ni Kidapawan City Fire Marshall CINSP Marleap P. Nabor.

Sa pamamagitan nito, ay mas mapapalakas pa ang ugnayan at kaalaman ng mga BFP personnel partikular sa pagganap ng kanilang tungkulin, ayon kay CINSP Marleap P. Nabor.

Nagbigay ng kanyang mensahe para sa mga firefighter mula sa tatlong distrito si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista kung saan pinuri niya ang mga ito sa buwis-buhay na pagganap ng trabaho bilang mga firefighters at bilang mga kaakibat sa emergency or disaster response.

Matatandaang una ng lumahok ang mga personnel ng BFP mula sa District 1 (Aleosan, Libungan, Alamada, Midsayap, Pigcawayan, at Pikit) noong October 4, 2022 at mula sa District II (Makilala, Magpet, Pres. Roxas, Antipas, Arakan, at Kidapawan City) noong October 10, 2022 habang ngayong araw na ito ng Huwebes, October 13, 2022 ay lumahok naman ang mga BFP personnel mula sa District III (Tulunan, Matalam, M’lang, Kabacan, Carmen at Banisilan).

Nagtapos naman ang aktibidad sa pamamagitan ng Awarding of Certificates para sa mga partisipante at ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng BFP Cotabato. (CIO-jscj//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio