PAMBATO NG KIDAPAWAN CITY AT REGION 12 ITINANGHAL NA KAMPEON SA DA NATIONAL DOCUMENTARY MAKING CONTEST

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/12/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (December 20, 2022) – ITINANGHAL na Champion ang young farmer mula sa Lungsod ng Kidapawan na si Darryl C. Flores sa katatapos lamang na National Feeding Pinas Through Binhi: One Seed at a Time Documentary Making Contest ng Department of Agriculture o DA na ginanap sa Axiaa Hotel, Manila ngayong araw ng Martes, Dec. 20, 2022. Si Flores na taga Barangay Ilomavis, Kidapawan City at presidente ng 4H Club Kidapawan ay benepisyaryo ng Binhi ng Pag-asa Program o BPP ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute o DA-ATI kung saan nagpakita ito ng husay sa pagpapaunlad ng proyektong ipinagkaloob sa kanya (Best Implementing LGU – Provincial Category).Laman ng video presentation ni Flores ay kanyang pagsusmikap na mapalago ang proyektong ipinagkaloob ng BPP at tinawag niya itong “GITIB” o Pag-usbong na una ng idineklarang 1st Place winner sa BPP regional level competition. Nagawa niyang talunin ang mga entries mula sa iba’t-ibang samahan ng young farmers mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa;Kabilang naman sa kanyang natanggap mula sa DA ay Plaque of Appreciation at cash prize. Kaugnay nito, pinasalamatan ni Flores ang mga sektor na sumuporta at naniwala sa kanyang kakayahan tulad ng DA-ATI, Office of the City Agriculturist, 4H Club at ang BPP.Ipinarating din niya ang pasasalamat kay Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na patuloy na isinusulong ang mga programa para sa agrikultura.Pinasalamatan din niya si City Agriculturist Marissa Aton sa mahusay na implementasyon ng mga programa para sa kabataang magsasaka at ang kanya mismong na si BPP Focal Person for Kidapawan John Lord Auman. Samantala, idineklara ding Champion ang delegado ng Cotabato Province sa National BPP Quiz Bee: Agri Tagisan at ito ay kinabibilangan nina Michelle Ansano (President Roxas), Milkie Antonio (Arakan), at Norhamin Ayao (Matalam).Itinanghal din na Champion ang Cotabato Province delegate sa National Step Cup: Youth Towards Leadership Agribusiness Proposal Making na binubuo nina Mickigie Arancon (President Roxas, Armand Roque Diez (Magpet), at Honey Boy Ordas (Antoipas) kung saan nagwagi sila sa kanilang entry na The DAMO Project (CIO-jscj//if//photos by OCA/ATI12)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio