NEWS | 2018/10/16 | LKRO
Barangay Perez
Taong 1930, may isang Pampangueñong mangalakal na nagpapabili ng mga damit at kumot sa Lungsod ng Davao at Kidapawan. Ang isa sa kanila ay si G. Bernardino P. Canlas. Ang lalaking ito ay dating scout U.S. pensionado at hindi na aktibong sundalo sa panahong iyon, kaya pumunta siya nang Kidapawan bilang negosyante. Siya ay anak ni pedro Canlas at Nicolasa Perez ng Macabebe, Pampanga.
Taong 1938, ang pamangkin niyang nagngangalang Augustin Sanga ay pumuntang kasama niya upang magpabili ng damit sa Kidapawan. Sa panahong ito, ang “Uncle – Nephew Company” ay magsimulang manatili nang pirmihan sa lugar. Si Bernardino Canlas ay nagpakasal sa isang Bagoba na ang ngalan ay Macanay Lamilongan na nagsilang ng 9 na anak. Sa isang taong nagdaan, si Augustin Sanga ay nag-asawa rin ng isang Manoba na ang ngalan ay Juanita Imbod na nagkaroon ng 8 anak. sila ang unang kristiyanong omukupa sa lugar. Noong 1940, sa kasunduan nina Canlas at Sanga, Pinangalanan nila ang pook na “PEREZ” bilang parangal sa ina ni Canlas at tiya rin ni Sanga.
Sa ganito kinuha ang pangalan ng barangay. Si Augustine Sanga ang unang naging unang Tenyente del Baryo sa bisa ng paghirang ni Alkalde Alfonso Angeles, Sr., noong 1947. Nanglingkod siya sa baryo nang mahigit 32 taon.
Lupang Sakop: 2,069.2
Distansiya mula sa Kidapawan: 9 km.