PESO KIDAPAWAN GINAWARAN NG LIMANG MAJOR AWARDS NG DOLE NORTH COT FIELD OFFICE

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/01/27 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 27, 2023) – LIMANG major awards ang iginawad ng Dept of Labor and Employment o DOLE North Cotabato Field Office sa Public Employment Service Office o PESO Kidapawan para sa PESO Performance Awards for 2022.Ito ay kinabibilangan ng Best Performing PESO of the Province, Best in Public Employment Services (PES) Implementation, Best in Career Guidance Implementation, Best Job Fair Implementation at Best in Child Labor Prevention and Elimination Program.Nakamit ng PESO Kidapawan ang naturang mga awards dahil sa mahusay nitong performance bilang PESO hindi lamang sa lungsod kung di sa buong Lalawigan ng Cotabato, ayon kay DOLE North Cotabato Field Office Head/Provincial Director Marjorie Latoja.Iginawad ng DOLE North Cot FO ang mga awards sa kanilang tanggapan kahapon, Enero 26, 2023.Sinabi ni Latoja na naisakatuparan ng PESO Kidapawan ang mga ang mandato nito na tulungan ang mamamayan sa lungsod lalo na ang mga naghahanap ng mapapasukan na makakita ng trabahong angkop sa kanilang kwalipikasyon at kakayahan.Naging maganda din ang performance ng PESO Kidapawan sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang isang employment service facility ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng DOLE at alinsunod na rin sa itinatakda ng RA No. 8759 – PESO Act of 1999.Kabilang dito ang Labor market Information, Referral and Placement, at Employment Coaching and Career Counseling kasama na ang pagpapatupad ng mga programang tulad ng Special Program for the Employment of Students o SPES, Job Fairs, PESO Employment Information System, Pre-Employment Orientation Seminar o PAOS at iba pa.Kaugnay nito, nagpasalamat naman si PESO Manager at Public Service Officer III Herminia Infanta sa DOLE North Cotabato FO sa mga parangal at recognition na natanggap. Magsisilbi raw itong inspirasyon sa PESO Kidapawan na lalo pang pagbutihin ang kanilang gawain at matulungan ang mas malaking bilang ng stakeholders.Kabilang naman sa tinutulungan ng PESO Kidapawan ay ang mga jobseekers, mag-aaral, Out-of-Schoo Youth o OSY, employers, Persons with Disability o PWDs, OFW/returning OFWs, Senior Citizens, at iba pa. (CIO-jscj//if//nl)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio