NEWS | 2022/09/26 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (September 25, 2022) – REGULAR na nagsasagawa ng Pre-Employment Orientation Seminar at Pre-Employment Seminar for Local Applicants o PESLA ang Public Employment Service Office o PESO ng Kidapawan City.
Ito ang sinabi ni PESO Manager Herminia Infanta kung saan kanyang ipinabatid na gagawin ang pinakabagong PEOS-PESLA sa Kidapawan City Gymnasium sa araw ng Martes, Sep 27, 2022, alas-otso ng umaga.
Layon ng aktibidad na mabigyan ng tamang referral and placement at iba pang impormasyon ang mga regular walk-in applicants na naghahanap ng mapapasukan sa mga local companies ganundin ang mga overseas job seekers.
Bahagi naman ito ng mandato ng PESO na tulungan hindi lamang ang mga aplikante mula sa Lungsod ng Kidapawan kundi pati na mga naghahanap ng trabaho mula sa mga kalapit na mga munisipalidad.
Sa pinakabagong PEOS-PESLA ay nakibahagi at tumulong ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa PESO sa pamamagitan ng pag-forward ng pangalan ng mga interesadong job seekers na una ng nakiisa sa pagbubukas ng National Family Week celebrations ngayong araw na ito ng Lunes, Sep 26, 2022.
Kaugnay nito, inaasahan na mas marami ang makikinabang sa PEOS-PESLA at magiging daan ito upang makahanap ng trabaho ang malaking bilang ng mga job applicants mula sa Kidapawan City at mga kalapit na bayan sa Lalawigan ng Cotabato. (CIO-jsc//if//)