NEWS | 2019/07/08 | LKRO
PTA subsidies sa mga public schools ibinigay na ng City Government
KIDAPAWAN CITY – MAHIGIT SA FIFTEEN MILLION PESO NA PTA subsidy ang sinimulang ipamahagi ng City Government sa mga pampublikong eskwelahan July 5, 2019.
Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang P400 PTA subsidy para sa bawat batang naka enroll mula kindergarten hanggang senior high school sa mga public school.
Nilibre na ng Parents Teachers Association Subsidy ang bayarin ng mga estudyante, ayon pa kay Mayor Evangelista.
Direktang makakabenepisyo ng subsidy ang 38,380 na mga batang naka enroll sa public schools, wika pa ng pamunuan ng City Schools Division ng DepEd.
Sa P400 na subsidy, P100 ang ilalaan sa bawat homeroom projects ng mga estudyante samantalang ang natitirang P300 ay para naman sa mga proyekto ng PTA at iba pang development programs sa public school.
Nakadepende ang halaga ng PTA Subsidy sa dami ng naka enroll sa bawat eskwelahan.
Hindi lamang nakatulong na malibre ang bayarin ng mga bata sa mga eskwelahan ngunit, nakapag-ambag din ito upang tumaas ang enrolment sa mga public schools, ayon na rin kay mayor Evangelista.
Nagmula ang PTA subsidies sa Special Education Fund ng City Government.
Sa susunod na taon, ililibre na rin ng City Government ang mga day care pupils mula sa pinaplanong P1.2 Million na pondong ilalagak para rito.
Naglaan ng mahigit sa P600,000 ang City Government ngayong school year para mabawasan ang bayarin ng mga magulang na may mga anak na naka enroll sa day care centers ng Kidapawan City.##(cio/lkoasay)
photo caption – P400 PTA subsidy ibinigay na ng City Government: Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang PTA Subsidy ng mga public schools sa Kalaisan Elementary School umaga ng July 8, 2019.Naglaan ng mahigit P15 Million ang City Government para mailibre na ang bayarin ng mga estudyante sa public schools.(cio photo)