NEWS | 2019/07/17 | LKRO
Publiko kinakailangang makipagtulungan sa kampanya kontra dengue- City Gov’t
KIDAPAWAN CITY – KINAKAILANGANG MAKIPAGTULUNGAN ang lahat sa kampanya kontra dengue, ayon pa sa City Government.
Ito ay alinsunod na rin sa pagdedeklara ng National Dengue Alert ng DOH July 15, 2019.
452 na kaso ng dengue ang naitala ng City Health Office sa lungsod mula Enero hangang Hunyo 2019, mula na rin sa datos ng kanilang opisina.
May isang naitalang dengue related death sa Barangay Birada nitong 2019.
Ang nabanggit na bilang ay nagmula na rin sa mga records ng mga ospital sa Kidapawan City na tumanggap ng pasyenteng may dengue, ayon pa sa CHO.
Ito ay lubhang mataas kumpara sa 72 kaso sa kapareho din na mga buwan noong 2018.
Posibleng ang pagtaas ng kaso ng dengue ay bahagi ng tatlo o apat na taong ‘cycle’ kung saan naaabot ang ‘peak’ o dami ng nagkakasakit nito.
Ugaliin dapat ng lahat ang pagsunod sa 4S campaign ng pamahalaan ng mapigilan ang pagdami ng nagkakasakit ng dengue.
Una ay Search and Destroy ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na sanhi ng sakit.
Self Protection laban sa kagat ng mga lamok sa pamamagitan ng pagsuot ng pananamit na may mahabang manggas, paglalagay ng insect repellants sa katawan, at paggamit ng kulambo.
Seek early consultation kung sakaling may simtomas ng dengue gaya ng lagnat ng maiwasan ang komplikasyon.
At Saying Yes sa pagsasagawa ng fogging operation sakaling may dengue outbreak sa mga komunidad.##(cio/lkoasay)
(photo is from newsnetwork.mayoclinic.org)