TECH4ED CENTER PORMAL NG BINUKSAN SA KIDAPAWAN CITY

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/06/27 | LKRO


thumb image

(KIDAPAWAN CITY- June 27, 2022) – PORMAL ng binuksan sa Lungsod ng Kidapawan ang Tech4Ed Center sa pamamagitan ng ginanap na Ribbon Cutting and Blessing Ceremony ng kanilang bagong hub sa Osmena Drive, Kidapawan City alas-nuwebe ng umaga ngayong araw, June 27, 2022.

Nanguna sa ginawang Ribbon-cutting at Turn-over si City Mayor Joseph A. Evangelista kasama sina DICT North Cotabato Provincial Director Engr. Mohadjirin P. Matanog, DICT XII Chief Technical Operations Division Engr. Guilbert D. Simene, mga Department Managers ng lungsod, at si Kidapawan City Councilor Aljo Cris G. Dixon, Chairperson Ng SP Kidapawan Committee on Education, Arts, and Culture.

Si Rev. Sergio Diaz, Sr. ang nagsagawa ng blessing ng pasilidad na sinundan naman ng project over view ni Engr. Hannah Grace M. Parcon ng DICT RegionL Office 12.

Layon ng Tech4Ed ang mga sumusunod: Maitatag ang mga sustainable Tech4ED centers upang makapagbigay at bumuo ng makabagong ICT-enabled na mga serbisyo at content para sa socio-economic development ng mga komunidad, lalo na sa nga unserved at underserved na mga komunidad; Tiyakin ang pagkakaroon ng may kakayahang Tech4ED knowledge workers at Pataasin ang kamalayan, pagpapahalaga at suporta para sa Tech4ED Project.

Partikular na makikinabang sa Tech4Ed ang mga Out-of-School Youth, guro, mag-aaral, People with Disability o PWD, grupo Ng kababaihan, OFW, at iba pa.

Nagbigay naman ng message of support sina DICT North Cotabato Provincial Director Engr. Mohadjirin P. Matanog at DICT XII Chief Technical Operations Division Engr. Guilbert D. Simene na nangakong ibibigay ang mga tulong na kakailanganin ng proyekto. Ikinatuwa ni Kidapawan Mayor Evangelista ang pagbubukas Ng Tech4Ed sa lungsod dahil sa pamamagitan ng proyekto ay matutugunan ang mga ICT-related concerns ng mga mamamayan at mabibigyan din sila mas malawak na oportunidad na magbibigay daan upang mas lumago pa ang lungsod. Dagdag pa rito ay nais din ng alkalde na mapatayuan ang mga karatig-barangay ng kaparehong proyekto upang sabay-sabay umusbong at makasabay sa modernong pamumuhay. (CIO-vh/aa/if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio