NEWS | 2024/02/15 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (February 12, 2024) – Pormal nang binuksan ang Wall Art sa Kidapawan City Plaza sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista nito lamang araw ng Lunes, kasabay ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Anniversary Culmination Day.
Gamit ang graffiti art ito ay nakasentro sa temang, “Luntian Kidapawan: Malinis na Kapaligiran, Disiplinadong Mamamayan, Gobyernong Maaasahan” na gawa ng labinlimang (15) partisipante sa Visual Wall Art Competition.
Namayagpag ang obra maestra ni Prince Wyne S. Melgar & Leander F. Tapia (1st Place) na sinundan naman ng gawa ni Neil Robin D. Gayramara (2nd Place) at nina Kent Carlo M. Manginsawan at Christian M. Manginsawan (3rd Place).
Maliban sa ito’y karagdagang atraksyon sa lungsod, ang Wall Art ay hihimok at hihikayat sa mga Kabataang may angking galing at potensyal sa pagpipinta.