NEWS | 2019/03/11 | LKRO
Zero rabies death naitala sa Kidapawan City sa magkasunod na apat na taon
KIDAPAWAN CITY—SA magkasunod na apat na taon, walang naitalang namatay dahil sa rabies sa Kidapawan City.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Eugene Gornez, mas aktibo na raw kasi ang mga pet owners sa pagpapabakuna nang anti-rabies sa kanilang mga alagang aso at pusa.
Sa katunayan sa mga nakalipas na mga taon aabot sa 15, 000 mga aso at pusa ang nabigyan ng libreng anti-rabies vaccines.
Itoy matapos na ipinag utos ni Mayor Joseph A. Evangelista na paigtingin pang lalo hanggang sa mga malalayong barangay ng lungsod ang kampanya kontra rabies.
Sa katunayan, naglaag ang City Government ng P550, 000 na pondo sa taong ito para ipambili ng anti-rabies vaccines.
Samantala, target ngayong taon ng City Veterinary Office na mabigyan ng libreng bakuna kontra rabies ang may 17, 000 na mga aso at pusa.
Gagawin ang pagbabakuna sa March 30, kung saan nagtalaga nang may 68 mga vaccination stations sa kabuoan nang Barangay Poblacion.
Ngunit nilinaw ni Dr. Gornez na ang mga nais na magpabakuna mula sa mga kalapit na barangay ay hindi tatangihan ng kanilang mga tauhan.
Mas lumiit narin daw ang bilang ng mga asong pagala-gala sa lansangan dahil mas mataas na ang antas ng kaalaman ng mga pet owners hingil sa kanilang responsibilidad.
Kaugnay nito hinikayat ni Gornez ang mga pet lovers na magtungo sa kanilang tanggapan upang mag avail ng kanilang libreng bakuna konta rabies. (CIO/Williamor A. Magbanua)